by: Lui
01/07/2009
Hello, PJ!! Ngayon lang ulit ako
nakabisita. Kasi umalis buong family namin papuntang States for nung Christmas
vacation. Bongga diba? Hahaha!! Sina Lola kasi doon na based kasama ang mga
kapatid ni Mommy. Ang arte nga eh. Ayaw magpatawag ng Lola, dapat daw Granny or
Granmum. Kaya naman pagkakita ko sa kanya, isang malakas na “LOLAAAAAA!!!” ang
sinigaw ko bago ko siya niyakap.
Super bonding kami ng mga cousins ko.
Plus may mga nakilala pa akong new friends. I love it! Very international ang
level. May mga Pinoy din pero na-challenge ang English skills ko talaga sa mga
Americans. In fairness, mababait sila. Tsaka, ang gugwapo! Nakakahimatay ang
mga itsura. Pero ewan, iba pa rin ang appeal ng Filipino. Meron dun isa,
nagbabakasyon lang din siya like me. He’s cute. Pero masyadong maputi. Parang
hindi nadudungisan. Haha. Gusto ko kasi yung mga tulad ni Crush na parang okay
lang madumihan. Hahahahaha!
Ayun, napakarami naming pinuntahan.
Baka nga hindi na ako mag-aral next school year kasi naubos na ang pera namin.
Hahaha!! Masaya naman, nakapag-Disneyland na ako. Sayang nga, gusto ko sana
magpunta sa New York kaso sa kabilang coast siya, masyadong malayo. May mga
days na boring. May mga nasulat ako doon sa’yo PJ, pero ewan ko ba, hindi ko na
feel isulat dito. Paano ba naman kasi, puro tungkol sa heartaches ko yun. Dahil
malayo ako, masyado akong naging emotional. Homesick! OFW ang drama? Hahaha! I
don’t wanna bore you with details about how I’m coping up after my bestfriend
betrayed me and the man of my dreams fooled me. Hala, ano daw?
Third day na ngayon simula nang makita
ko ulit sila. Sarap pag-untugin eh! Haha! May alam ka bang bilihan ng langgam?
Yung pula na malalaki? Napaka-sweet kasi nila. Ako na mismo magdadala ng mga
langgam at ibubuhos ko sa kanila! Hahaha. Hindi naman ako bitter diba? Ang
saya-saya ko kaya. Nung nagkita nga kami ulit ni Trixie nung Monday, ang higpit
ng yakap ko sa kanya. Syempre, na-miss ko ang best friend ko. Perfect na sana
yun para saksakin siya sa likod tulad nang ginawa niyang pagbe-betray sa akin.
Sorry naman, hindi ko alam ang Tagalog ng betray. Hahaha! Syempre, marami akong
pasalubong sa kanila, puro chocolates na expired. Joke lang. Hahaha!
Ngayong back to normal na ulit,
honestly PJ, naiinis ako kay Crush. Seryoso ‘to ah. Okay naman talaga sa akin
na sila. E kung si Trixie talaga ang tinitibok ng puso niya eh. Mahirap namang
ipilit ang sarili ko sa kanya diba? Pero ang nakakainis dun, parang hindi na
ako nag-eexist. Nakuha lang niya si Trixie, nawala ako bigla sa eksena. Nung
Monday nga, isang nod lang ang binigay niya sa akin habang si Trixie halos
mahimatay na nang makita ako ulit. Wala man lang smile???! Ano yun? Gamitan
lang ba? Nakipag-close lang siya para makuha ang best friend ko? Hay. Parang ang
sama naman diba? Pero hayaan ko na lang.
Nga pala, isang pack na ng chocolates
ang naubos ko. Yung fun size lang ah. Hahahaha! Promise, hindi ako bitter. At
hindi ako malungkot. Hahahahaha!
Itutuloy. . . . . . . . . . .
rantstoriesetc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment